Monday, April 13, 2026

Mahigit ₱102 milyong halaga ng counterfeit cancer medication, nasamsam sa Makati City

Apat na indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang entrapment operation sa loob ng isang hotel sa Makati City.

Kung saan narekober sa mga suspek ang nasa 400 piraso ng mga counterfeit cancer medication na may label na Keytruda 100mg/4ml.

Ang nasabing nakumpiskang medikasyon ay tinatayang nagkakahalaga ng nasa ₱102 million.

Ayon sa mga otoridad, ang nasabing mga gamot ay lumabag sa Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Sa ngayon ang mga suspek ay nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso.

Pinaalalahanan naman ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga produkto lalo na kung ito ay may kinalaman sa kalusugan dahil maaari itong magbigay ng direktang panganib sa buhay at huwag agad maniwala sa mga kahina-hinalang transaksyon.

Facebook Comments