Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na aabot sa ₱109.44 million ang naitalang pinsala ng DA dahil sa epekto ng El Niño.
Base sa talaan ng DA, naitala ang nabanggit na halaga sa Iloilo at Zamboanga Del Norte kung saan aabot sa 4,738 metric tons ng palay ang nasira katumbas ng 2,177 na hektarya ng taniman.
Habang nasa 2,602 na mga magsasaka naman ang naapektuhan ang kanilang mga kabuhayan.
Tiniyak naman ng ahensya na patuloy ang kanilang pagsisikap upang matulungan ang mga magsasaka.
Pinapayuhan ng DA ang mga magsasaka na gumamit na ng drought pesistant crop upang makaiwas sa epekto ng El Niño.
Facebook Comments