Pag-amyenda sa economic provision sa Saligang Batas, tuloy pa rin ayon kay Pangulong Marcos

 

Tututukan ng pamahalaan ang pinakamabuting paraan ng pagpapatupad sa pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, ikinunsulta niya na ito sa mga pinakamagagaling na legal advisers sa bansa, partikular sa mga dating Chief Justices.

Patuloy rin ang pakikipag-usap ng pangulo sa Senado at Kongreso, upang makahanap ng mas simpleng paraan na hindi lilikha ng tensyon.


Dagdag pa ni Pangulong Marcos, economic provisions lamang naman ang nais ng pamahalaan na ma-amyendahan, pero nahahaluan ito ng pulitika.

Nagpapatuloy pa rin naman daw sa ngayon ang People’s Initiative pero kailangan lamang nilang suriin mabuti kung paano maipipreserba ang bicameral system.

Facebook Comments