Mahigit ₱3 bilyon, inaprubahan na para sa mga PUV driver ayon sa LTFRB

Inihayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra na inaprubhaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng ₱3.38 bilyon para mabayaran ang mga PUV drivers na nakiisa sa service contracting program.

Ayon kay Delgra, sinimulan na nila nitong September 15 ang pagbabayad sa mga apektadong drivers at PUV operators at inaasahang sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay matatapos nila ang payout.

Sa ilalim ng service contracting program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang PUV operators at drivers na nakiisa sa libreng sakay ng pamahalaan para sa mga papasok na empleyado sa kanilang trabaho ngayong pandemya ay tatanggap ng one-time payout na ₱4,000 at weekly payments base sa kilometro ng layo ng pagpasada nito kada linggo, may pasahero man o wala.


Ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ay naglaan ng ₱5.5 bilyong pondo para sa service contracting program, pero ang paliwanag ng LTFRB, nakapagpalabas pa lamang sila ng ₱1.5 bilyon noong June 30,2021 para sa ₱4,000 payout sa 23,410 drivers; one-time onboarding incentives na ₱25,000 sa 8,461 drivers; one-time onboarding incentives na ₱20,000 sa 702 drivers; at 18,864 drivers ay tumanggap ng kanilang weekly payouts.

Paliwanag ni Delgra, ang mahigit ₱3 bilyong pondo na hindi nagamit ng ahensiya ay naisauli nila sa Department of Budget and Management (DBM) nang mag-expire ang appropriation sa ilalim ng Bayanihan 2 noong June 30, 2021 kaya’t may drivers ang naiwan na hindi nabayaran.

Facebook Comments