Mahigit ₱4 milyong halaga ng ecstacy, nasabat sa Pasay City

Nasabat ng Bureau of Customs Port of NAIA (BOC-NAIA), Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Group (NAIA-IADITG) ang 2,437 tablets ng ecstacy party drugs sa Central Mail Exchange Center (CMEC) at DHL warehouse sa Pasay City.

Ang naturang mga droga na nagkakahalaga ng Php 4,142,900 ay isinilid sa letter posts at 1 parcel kung saan idineklara itong switch panel.

Ang nasabing parcels ay nagmula sa Germany, The Netherlands at naka-consign sa ilang individual na may address na Quezon City, Bulacan at Las Piñas City.


Ang mga ecstacy tablet ay nai-turn over na sa PDEA para sa kaukulang imbestigasyon at case build up.

Gayundin sa posibleng pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Facebook Comments