Mahigit ₱400 milyong pondo, inilaan ng gobyerno para sa pananaliksik sa mga uusbong pang sakit sa bansa

Naglaaan ang gobyerno ng nasa ₱419.3 milyong pondo para sa mga proyekto at programa ng Virology Institute Research and Development sa ilalim ng 2023 national budget.

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ang budget allocation na ito ay sumasalamin sa pangako ng administrasyong Marcos na siguruhin ang kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino.

Kailangan kasi aniya na maging pro-active ang bansa at mapondohan ang ganitong mga uri na institusyon na bubuuin ng mga highly trained na eksperto.


Dagdag pa ni Pangandaman, ang mga eksperto na ito ang magsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa lilitaw pang mga sakit sa hinaharap at upang mapaghandaan na ito ng maaga ng bansa.

Samantala, naglaan naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P250 milyong pondo para sa pagpapatayo ng gusali ng Virology Institute of the Philippines sa Capas, Tarlac para sa susunod na taon.

Nabatid na kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mahalagang papel na ginagampanan ng ganitong uri ng institusyon sa lipunan para sa mas mabilis na pagtukoy at pagtugon sa mga uusbong pang outbreak.

Facebook Comments