Friday, January 23, 2026

Mahigit ₱44-M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa magdamag na operasyon ng PNP; 4 na HVI’s naaresto

Nasabat ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang anti-illegal drug operations ang mahigit 44 na milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa buong bansa.

Kasabay nito ay ang pagkakaaresto sa 4 na High-Value Individuals o HVI na isinagawang magdamag na operasyon simula alas-dyes ng gabi ng Disyembre 14 hanggang alas-nuwebe ng umaga ng Disyembre 15.

Ang mga nasabing operasyon ay isinagawa sa Rizal, Bohol, Benguet at Makati .

Sa kabuuan ang lahat ng nakumpiskang ipinagbabawal na droga sa buong bansa ay mahigit 32 milyong piso sa shabu, mahigit 5 milyon piso sa marijuana , mahigit 200 libong piso sa cocaine at mahigit 6 na libong piso para sa Ecstasy.

Sa ngayon ang mga nasabing suspek ay nasa kustodiya ng pulisya para sa tamang disposisyon, habang ang nakumpiskang mga kagamitan at droga ay pinoproseso para sa laboratory examination.

Facebook Comments