MAHIGIT DALAWANG DAANG BENEPISYARYO SA BAYAN NG TAYUG, NAPAMAHAGIAN NG TULONG PINANSYALMULA SA DSWD

TAYUG, PANGASINAN – Tumanggap ng tulong pinansyal ang nasa dalawang daan at dalawampu’t apat (224) na benepisyaryo sa bayan ng Tayug, Pangasinan sa ilalim ng programang Livelihood Assistance Grant o LAG ng DSWD.

P10, 000 ang halaga ng matatangap ng bawat residenteng kwalipikado sa naturang programa ng ahensyang Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng LAG.

Sa kabila pa rin ng nararanasang pandemya, patuloy sa pamimigay ang gobyerno sa mga lubos na nangangailangan at sa mga lubhang naapektuhan ng krisis.


Matatandaang ang LAG ay mula sa national government at patuloy na ipinapatupad sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal mula sa pondo ng bansa at sa ilalim ng batas na Bayanihan to heal as one act bilang pagsuporta sa pamumuhay ng mga kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa.

Facebook Comments