MAHIGPIT | Liquor ban’ at ‘no fishing policy’ – ipatutupad sa Isabela oras na tumama na ang bagyo

Manila, Philippines – Mahigpit na ipatutupad sa Isabela ang liquor ban at “no fishing policy” sa pagdating ng bagyong Rosita.

Kasunod ito ng inilabas na executive order ni Isabela Gov. Faustino Dy III na nagbabawal sa mga establisyimento na magbenta ng alak gayundin ang pangingisda sa mga ilog, sapa at dagat oras na manalasa na ang bagyo sa lalawigan.

Naibaba na rin umano ang utos na ito sa PNP, AFP at BFP kasabay ang direktiba na gumawa ng deployment plan sa bawat sulok ng probinsya.


Maaga ring pinaghanda ng provincial government ang social welfare and development office para sa pamamahagi ng relief goods.

Samantala… nauna nang nag-anunsyo ng walang pasok bukas ang Cagayan government para sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong lalawigan.

Facebook Comments