Mahigpit na border control, naging epektibo para mapigilan ang pagpasok ng Omicron variant – DOH

Ipinagmalaki ng Department of Health na naging epektibo ang mahigpit na border control ng pamahalaan upang mapigilan ang pagpasok ng Omicron COVID-19 variant sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito ang dahilan kung kaya’t agad na natukoy ang tatlong kumpirmadong kaso ng Omicron at hindi na ito kumalat pa.

Idinagdag pa ni Duque na malaking bagay ang pagiging masunurin ng mga Pilipino kung kaya’t hindi tayo gaanong nagkaroon ng COVID-19 surge sa kabila ng mataas na bilang ng populasyon ng bansa.


Facebook Comments