Pagsusuot ng face shields, imumungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa banta ng Omicron variant

Muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shields para sa mga natatakot dahil sa Omicron COVID-19 variant.

Sa kaniyang Talk to the People Address kagabi, sinabi ng Pangulo na posibleng ang pagsusuot ng face shields ang dahilan kung bakit mababa ang mga naiitalang kaso sa bansa.

Binanggit din ng pangulo ang pagpuna sa atin ng ibang bansa sa pagpapatupad noon ng mandatory na pagsusuot ng face shields kahit nakatulong naman ito sa mga Pilipino.


Matatandaang noong kalagitaan ng Nobyembre nang ipatigil na ng Pangulo ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Facebook Comments