Mahigpit na border control sa bansa laban sa human trafficking, iginiit ng isang senador

Iminungkahi ni Senator Risa Hontiveros na higpitan ang border control ng bansa laban sa human trafficking.

Ang apela ng senadora ay kaugnay na rin ng nabulgar na bagong modus ngayon na pagre-recruit sa mga Pilipino sa Thailand pero gagawin pala silang cryptocurrency scammer ng isang Chinese syndicate sa Myanmar.

Panawagan ni Hontiveros na paigtingin ang border control sa Pilipinas upang matiyak na hindi mapapasakamay ng mga sindikato ang ating mga kababayan.


Kailangan din na magkaroon ng malinaw na transborder solutions sa pagitan ng mga kalapit na bansa para maiwasan at masugpo ang nasabing krimen sa mga kababayan.

Aniya, ang Pilipinas, Thailand at Malaysia ay sakop ng ASEAN convention laban sa “trafficking in persons” kaya mahalagang may mahigpit na koordinasyon para masugpo ang modus na bumibiktima sa ating mga kababayan.

Hiniling din ni Hontiveros ang koordinasyon sa mga estado ng US, Canada, Germany, at UK, lalo’t kadalasang ang mga mamamayan nila ang target ng scam.

Facebook Comments