DOJ, nakipagdayalogo sa pamilya ng mga nawawalang sabungero

Nakipagdayalogo si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa pamilya ng ilang mga nawawalang sabungero ngayong araw.

Sa ambush interview, sinabi ni Remulla na kasama rin sa nasabing pulong ang National Bureau of Investigation o NBI at ang Philippine National Police o PNP.

Ito ay para malaman niya ang ibang mga impormasyon hinggil sa pagkawala ng mga sabungero.


Matatandaan na matagal nang hinihintay ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero ang resoluyon ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ).

Pero ayon kay Remulla, kung mayroon nang resoluyon ay agad nila itong ilalabas.

Aniya, nakapagkasunduan nila ng pamilya ng mga biktima na magkaroon ng dayalago sa mga susunod na araw upang magkaroon ng update sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero.



Nabatid na nasa walong kaso ng pagkawala ng mga sabungero ang nakabinbin habang ang ibang ay kasalukuyang dinidinig.

Umaasa naman ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero na matutulungan sila ng DOJ hinggil sa naturang kaso.

Facebook Comments