
Pinatitiyak ni Senator Lito Lapid sa mga kinauukulan ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Law.
Sa ilalim ng batas na iniakda rin ng senador, layon nitong palakasin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtugis at pagbabawal sa mga iligal na aktibidad gaya ng smuggling, hoarding, profiteering sa mga produkto na nakaaapekto sa supply, at presyo ng pagkain.
Naniniwala si Lapid na ang mga iligal na gawain sa sektor ng agrikultura ay isang banta hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa seguridad ng bansa at mamamayang Pilipino.
Nakasaad sa batas na ang mga iligal na gawain sa sektor ng agrikultura ay maituturing na economic sabotage na may non-bailable na parusa o habambuhay na pagkakabilanggo at multa na doble o limang beses sa halaga ng produktong ipinapasok sa bansa.
Nabatid na binuo na ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Council at Anti-Agricultural Economic Sabotage Enforcement Group na tututok naman sa pagtugis ng mga smuggling operations at pagdakip sa mga lumalabag sa naturang batas.









