DOJ Sec. Remulla, hindi makikialam sa reklamo kay Rep. Pulong Duterte sa insidente sa bar

Hindi umano makikialam si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remilla sa imbestigasyon kaugnay sa reklamo kay Davao City Rep. Paolo Duterte.

Nahaharap si Rep. Duterte sa reklamong physical injuries at grave threats dahil sa nag-viral na video nito na may nakaalitan sa isang bar sa Davao City.

Ayon sa Kalihim, bagama’t alam na niya ang tungkol dito ay hindi siya makikialam sa kaso.

Trabaho na aniya ito ng prosecutors at bibigyan nila ng pagkakataon na maging transparent ang proseso sa DOJ.

Ayon sa biktima, nangyari ang naturang insidente noong February 23.

Facebook Comments