Ipinag-utos na rin ng Department of the Interior and Local Government sa Philippine National Police at local government units (LGU) ang paghuli sa mga lumalabag sa quarantine at pagpapaigting pa sa implementasyon ng minimum health standards sa lahat ng barangays .
Ang utos ng DILG ay bunsod sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila ng higit sa 3,000 kaso kada araw sa magkasunod na tatlong araw.
Inatasan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr. ang Joint Task Force Shield na dagdagan ang police deployment partikular na sa Pasay City, Malabon, Navotas, Cebu City at Cebu Province na nakapagtala ng mataas na kaso .
Ipinag-utos din ng DILG ang deployment ng karagdagang contact tracers sa mga lugar na may mataas ding kaso.
Facebook Comments