Pinasisiguro ni Albay 2nd district Representative Joey Salceda sa National Telecommunications National Telecommunications Commission (NTC) at maging sa mga lokal na pamahalaan na mababantayan ng mahigpit at maiingatang mabuti ang lahat ng datos na makokolekta sa ilalim ng SIM Registration law.
Kaugnay nito ay inirekomenda ni Salceda na magkaroon ng periodic review sa privacy protocols ng telecommunication companies at NPC.
Iginiit ito ni Salceda kasunod ng report na mahigit 1.2 million na personal records na nakaimbak sa database ng Philippine National Police (PNP) ang nakompromiso na naglalaman ng fingerprint, birth certificate, education transcript at iba pa.
Ayon kay Salceda, ang SIM card registries ang magiging pinakamalaking pagkukunan ng mga personal data sa bansa kaya posible itong maging target ng mga hacker.
Kaya naman ngayon pa lang ay pinaglalatag na ni Salceda ang NTC at NPC ng mga hakbang para hindi mangyari sa SIM card registries ang data breach na sinapit ng PNP database.