Testimonial parade para kay Outgoing PNP Chief Azurin, idinaos

Kasabay ng nakatakdang pagreretiro sa serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., idinaos ang isang testimonial parade.

Nagkaroon din ng arrival honors para kay Azurin sa Philippine Military Academy (PMA), Fort del Pilar sa Baguio City.

Nabatid na ang testimonial parade ay iginagawad sa PMA alumnus na magreretiro sa serbisyo.


Si Azurin ay miyembro ng PMA Makatao Class of 1989.

Inaasahan namang magkakaroon ng change-of-command ceremony at retirement honors para kay Azurin sa Lunes, April 24, 2023.

Una nang sinabi ng PNP chief na malaki ang pasasalamat niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa tiwala nitong paglingkuran ang Pambansang Pulisya.

Aniya, kumpyansa siyang napaglingkuran niya ang buong hanay ng pulisya at ang bansa sa halos siyam  na buwan nitong paninilbihan bilang PNP chief.

Facebook Comments