Manila, Philippines – Pinahihigpitan ng Senado at Kamara sa Bureau of Immigration at Dept. of Labor and Employement ang pag-iisyu ng work permit sa mga dayuhan.
Ang deriktiba ay nakapaloob sa special at general provision ng 2019 budget.
Bunsod nito, ay hindi na maaring magbigay ng temporary work permit ang Bureau of Immigration sa mga dayuhan maliban kung may hawak itong alien employment permit o sertipasyon mula sa Labor Department.
Bukod dito ay inaatasan din ang DOLE na tiyaking walang ibang Pilipino ang kawalipikado o maaring gumanap sa trabahong papasukan ng dayuhan bago sila pagkalooban ng alien employment permit.
Ugat ng hakbang ng kongreso ang pagtaas ng bilang ng mga dayuhang nabigyan ng special work permit at alien employment permit, kung saan naagawan nila ng trabaho ang mga Pilipinong manggagawa.