Mahigpit na Pagbabantay ng Task Force ‘Oink-oink’ Isabela, Patuloy!

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng TaskForce oink-oink sa mga itinatalagang checkpoint bukod pa sa mga checkpoints ng kapulisan sa Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay retired police general Jimmy Rivera, pinuno ng Task Force Oink Oink Isabela, maigting ang kanilang pagbabantay sa iba’t-ibang bayan lalo na sa Quezon, Sta Maria, Cordon, San Agustin, Isabela upang upang matiyak na walang makakapasok na karne ng baboy o meat products mula sa ibang lalawigan.

Nagpapasalamat naman ito sa tulong ng surveillance team ng DA Region 02 na nagsasagawa ng pagsusuri sa mga nagkakasakit na alagang baboy upang matukoy kung apektado ang mga ito ng African Swine Fever (ASF).


Kaugnay nito, patuloy rin ang pagdis-infect ng regional surveillance team ang ilang barangay ng Mallig at Quirino habang kasalukuyan pang kinukumpirma ng regional DA ang naitalang report sa bayan ng Aurora.

Umapela naman ito sa mga opisyal ng barangay na makipagtulungan at makiisa sa pagbabantay upang maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Facebook Comments