MAHIGPIT NA PAGBABAWAL SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON, IGINIIT

Iginiit ng Pangasinan Police Provincial Office ang mahigpit na pagbabawal sa pagpapaputok ng baril lalo ngayong pagsalubong sa bagong taon.

Ang sinumang lumabag sa batas ay may karampatang parusa. Sa ilalim ng Article 254 of RPC, pagkakaulong ang matatamo ng kung sinumang lumabag sa naturang batas.

Hinikayat ang mga Pangasinense na maging isang responsableng gun owner upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Kasabay nito, pinaigting ang kampanyang “No to Indiscriminate Firing” na layong maiwasan ang mga insidente ng aksidente o pananakit dulot ng pagpapaputok ng baril.

Patuloy namang magsasagawa ng monitoring ang kapulisan upang matiyak ang maayos at ligtas na selebrasyon ng Bagong Taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments