Mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine, hindi dapat katakutan, ayon kay PRRD

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag matakot sa harap narin ng mahigpit na hakbanging ipinatutupad ngayon ng gobyerno kaakibat ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Sinabi ng Pangulo na batid niya ang nararamdaman ngayong pagkabahala ng publiko at ang hirap ng sitwasyong kinakaharap habang naka quarantine.

Pero ginagawa aniya ito para na rin sa kaligtasan ng lahat laban sa mapanganib na virus.


Nariyan aniya ang mga opisyal ng gobyerno para pangasiwaan ang paglalatag ng mga sistema hinggil sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko, partikular ang suplay ng pagkain.

Giit pa ng Pangulo, kapag ang mismong mga opisyal ng barangay ang hindi tumupad sa kanilang tungkulin dahil natatakot sa COVID-19, wala aniya silang karapatang maging opisyal ng barangay at maaaring maharap sa Dereliction of Duty.

Facebook Comments