Muntinlupa LGU ,magkakaloob ng libreng sakay para sa frontline workers

Magkakaloob ng libreng sakay ang muntinlupa lgu para sa frontline workers sa harap ng suspension ng public transportation dahil sa banta ng COVID-19.

Anim na E-jeepneys ang ipapakalat ng Muntinlupa City Government sa ibat ibang ruta sa lungsod.

Apat dito ay idedeploy sa Muntinlupa City Public Market at ito ay may rutang tunasan o hanggang sa boundary ng Muntinlupa City at San Pedro and vice-versa


Ang dalawa namang iba pang E-jeep ay idedeploy sa muntinlupa national high school-plaza central route.

Mahigpit namang ipatutupad sa loob ng e-jeeps ang social distancing.

Ang mga residente naman ay pahihintulutan lamang na lumabas ng bahay kapag sila ay may bibilhin sa botika at sa groceries.

Facebook Comments