Mahigpit na pagpapatupad ng health measures ngayong Christmas Season, ipinag-utos ni Galvez

Inatasan na ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga awtoridad na magpatupad ng mahigpit na minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ngayong Christmas Season.

Ayon kay Galvez, inaasahan ng gobyerno na tataas ang kaso ng COVID-19 cases sa panahong ito.

Bukod sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), inatasan din ni Galvez ang Local Government Units (LGUs) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang mahigpit na health protocols.


Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay magsasagawa ng regular na inspeksyon sa mga mall lalo na sa dining services.

Hinikayat ni Galvez ang mga mall owners na magpakalat ng marshals sa loob ng kanilang establisyimento para matiyak na nasusunod ang minimum health standards.

Facebook Comments