Sunod-sunod na Bagong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Naitala

32

Cauayan City, Isabela- Nakakapagtala pa rin ng mga panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2, labing apat (14) ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 na nagdadala sa total active cases na 187.


Mula sa 14 new COVID-19 cases sa Isabela, lima (5) ang naitala sa Santiago City, apat (4) sa City of Ilagan, dalawa (2) sa Roxas, at tig-isa (1) sa bayan ng San Mariano, Cauayan City, at Cabagan.

Sa bilang naman na 187 na total cases ng probinsya, tatlo (3) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), 19 ang Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), 18 na Health Workers, limang (5) Pulis at 142 na maituturing na Local Transmission at Community Transmission.

Facebook Comments