Dapat na mahigpit na ipatupad ang NCR Plus bubble para maprotektahan ang mga lugar sa ilalim nito mula sa COVID-19 Delta variant.
Ito ang payo ng OCTA Research Team kasunod ng banta ng Department of Health (DOH) na magkaroon ng surge ng local cases ng Delta variant na na-detect na rin sa Metro Manila at iba pang rehiyon.
Sa isang interview, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na kapag may bubble, mapo-protektahan ang NCR Plus mula sa mas nakakahawang strain at patuloy na tatakbo ang ekonomiya.
Hindi rin kakailanganing pagbawalan muling lumabas ang mga bata kung istriktong paiiralin ang bubble.
Ang NCR Plus ay binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.
Facebook Comments