Mahigpit na pagpapatupad ng restrictions, mananatili sa Cebu City

Suportado ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. ang pagpapatupad ng mahigpit na safety measures sa Cebu City para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Nabatid na ang lungsod ay inilagay sa lockdown bunsod ng tumataas na infections.

Ayon kay Galvez, nakikita nila na importante ang ‘stringent restrictions’ sa lungsod lalo na at hindi maayos na naipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Ito aniya ang nag-udyok kay Interior Secretary Eduardo Año na magpadala ng karagdagang tauhan ng Special Action Force (SAF) sa lungsod, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at lokal na pamahalaan.

Binabantayan aniya ang sitwasyon ng 19 na barangay sa lungsod na nasa ilalim ng ‘strict lockdown.’

Sa datos ng Cebu City Health Department, ang Barangay Sambag I ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na nasa 113.

Facebook Comments