Cauayan City, Isabela- Muling ipinag-utos ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang mahigpit na pagpapatupad upang makaiwas sa pagpasok ng mga alagang baboy laban sa banta ng African Swine Fever (ASF).
Ito ay batay sa ipinalabas na executive order no. 56 o strictly implementing the guidelines of zoning and movement protocols with regards to the movement, sale and trade of hogs,pork and pork products in the city.
Ayon kay City Mayor Bernard Dy, hindi papayagan ang pagpasok ng mga live pigs sa lungsod lalo na sa mga lugar na may naitalang positibong kaso ng sakit ng baboy ngunit maaari namang maglabas nito mula sa siyudad.
Napanatili ng lungsod gayundin ang backyard hograisers ang ASF-FREE kung kaya’t mahigpit ang pagbabantay sa lahat ng border checkpoint para masigurong walang makakapasok na mga alagang baboy mula sa labas ng siyudad.