Mahigpit na pagpili sa susunod na PNP Chief, iginiit ng isang senador

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kahalagahan na maging mahipit ang patakaran sa pagpili ng susunod na mamumuno sa Philippine National Police o pnp.

 

Ayon kay Drilon, ang susunod na PNP Chief ay kailangang magdoble-kayod para maibalik ang kredibilidad ng pambansang kapulisan at ng drug war ng Administrasyong Duterte.

 

Diin pa ni Drilon, mahalaga din na masuring mabuti ang record ng susunod na hepe ng PNP.


 

Ang mungkahi ni Drilon ay kasunod ng pagbibitiw ni General Oscar Albayalde bilang hepe ng PNP matapos pumutok ang isyu tungkol sa pagkakasangkot ng mga tauhan niya sa Pampanga Police sa kaso ng drug recycling Noong 2013.

 

Magugunitang si Drilon ay isa sa mga unang nanawagan ng pagbibitiw ni Albayalde para maisalba ang PNP sa kahihiyan.

Facebook Comments