Tuesday, April 7, 2026

MAHIGPIT NA SEGREGATION NG BASURA SA BOLOSAN, DAGUPAN CITY, IPATUTUPAD

Muling pinaalalahanan ang mga residente sa Brgy. Bolosan, Dagupan City, hinggil sa tuloy-tuloy at mahigpit na pagpapatupad ng “No Segregation, No Collection Policy” alinsunod sa Republic Act 9003. Layunin ng hakbang na ito na mapabuti ang pamamahala ng basura at mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran.

Sa ilalim ng patakaran, hindi kokolektahin ang mga basurang hindi maayos na nahihiwalay ayon sa uri. Ipinagbabawal din ang pagtatapon ng basura sa mga bakanteng lote at open areas. Ang mga lalabag ay papatawan ng kaukulang multa at parusa.

Kasabay nito, inilabas ang opisyal na iskedyul ng pangongolekta ng basura sa bawat Purok upang mas maging organisado at episyente ang serbisyo.

Ayon sa inilabas na iskedyul, isinasagawa ang koleksyon tuwing Lunes at Huwebes sa Old Road (Sagur Gapuz hanggang Tondo), Sibayan, at Highway West; tuwing Martes at Biyernes sa Sarmienta, Green Grass, 7/11–ICO, at Highway East; at tuwing Sabado sa Gobil at Almeria.

Pinapayuhan ang mga residente na ilabas lamang ang kanilang basura sa tamang araw at tiyaking ito ay maayos na naka-segregate upang masigurong makokolekta at maiwasan ang anumang abala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments