Naging mapayapa ang kabuuang pagdiriwang ng semana santa sa bolinao matapos walang naitalang malubhang insidente at casualty ang awtoridad sa kabila ng pagdagsa ng mga bisita sa mga pangunahing tanawin at pasyalan sa bayan.
Sa ulat ng lokal na pamahalaan, bunga ng matibay na koordinasyon ng mga ahensya, tourism stakeholders, volunteers, at ng mga residente ang dahilan upang makamit ang maayos at seguridad ng mga aktibidad.
Matatandaan, nagpatupad ng regulasyon ang lokal na pamahalaan para sa mga bisita, resort owners at awtoridad bago ang semana santa, na may itinakdang iskedyul sa paglangoy, kasama ang user’s fee sa mga bisita, at deployment ng incident management teams sa patar beach at bolinao falls.
Binigyang diin ng tanggapan na maging responsableng turismo upang mapanatili at mapangalagaan ang likas na ganda at kalinisan ng mga tanawin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










