Pasig City – Ikinatuwa ng mga motorista ang paglalagay ng body cameras ng mga kawani ng Eastern Police District (EPD).
Ilan sa mga motor rider na pinara sa check point sa Pasig City kasabay ng operasyon ng EPD na may suot na body cam, positibo ang reaksyon ng lahat dahil narin sa usaping pang seguridad.
Positibo rin naman sa panig ng pulisya ang pagkakaroon nila ng body cam.
Ayon sa EPD layon nitong mawala ang pag-aalangan ng publiko na di umano’y nagtatanim ng ebidensya at droga ang pulis sa kanilang mga nahuhuli gayun din sa mga nag aakusa sa kanila na pinapatay ang mga sinasabing nanlalaban na drug suspeks.
Ang EPD ay gumagamit na ngayon ng 48 Vigilante HD body cameras mula sa lokal na pamahalaan.
Sila din ang kauna unahang distrito ng pulis na gumagamit ng mga body cam sa buong Metro Manila.