REVOLUTIONARY GOVERNMENT | Mga Pro-Duterte, nagkaisa!

Manila, Philippines – Mahigit 2-libong Pro-Duterte ang nagtipon-tipon sa Mendiola upang itulak ang Revolutionary Government.

Pumalo sa mahigit dalawang-libong sumusuporta para isulong ang Revolutionary Government ang nagtipon-tipon sa Mendiola.

Target ng Pro-Duterte na aabot sila ng mahigit 300 libo na magsama-sama upang itulak ang Rev. Gov. na pangungunahan ng dating sexy actress Vivian Velez.


Habang abalang nagtipon-tipon ang mga Pro-Duterte sa Mendiola nagkasama-sama naman ang Anti-Duterte sa Lawton upang kontrahin ang itinutulak na Revolutionary Gov dahil hindi umano yan ang sagot sa problema ng kahirapan sa bansa bagkus lalo lamang umano lalala ang sitwasyon kapag naituloy ang Revolutionary Government.

Tiniyak naman ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na maging mapayapa ang dalawang grupo na magkasalungat ang kanilang ipinalalaban na isyu dahil mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay sa dalawang grupong nagra-rally sa magkahiwalay na lugar sa Manila.

Facebook Comments