Manila, Philippines – Ikinalat na nang Philippine National Police (PNP) ang pitong libo at 7 daang pulis ang para bigyang seguridad ang ika 51 Asian Development Bank Annual Meeting of Governors na gaganapin sa ortigas simula ngayong araw hanggang sa Linggo (May 6).
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, major events security framework ang nakalatag ngayong seguridad na siya ring ginamit sa nakalipas na asean meeting sa Pilipinas
Tutukan ng mga ideneploy na pulis ang pagbyahe ng mga delegado, lugar na pagdadausan ng mga pagpupulong hanggang sa tutuluyan ng mga ito.
Nasa 3 libong delegado mula sa 67 mga bansang miyembro ng ADB ang dadalo sa mga aktibidad sa bahagi ng Ortigas
Maliban sa 7 libong pulis, mayroong ding ikinalat na 1 libong tauhan ng mmda at iba pang ahensya ng gobyerno na bumubuo sa security task force ADB Manila 2018
Batay naman sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), walang isasarang kalsada para sa ADB meeting pero magpapatupad ng stop and go scheme.