Mahigpit ang tagubilin ngayon ni Defense Secretarty Gilberto Teodoro sa Office of Civil Defense (OCD), matapos ang malakas na lindol sa Batangas kahapon, na agad na magsagawa ng pulong at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ito ay upang malaman ang kabuuang epekto at assessment sa mga tinamaan ng malakas na pagyanig.
Pinaalala rin ng kalihim sa OCD na may reporting protocols ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Response Cluster sa ganitong sitwasyon.
Kahapon binisita ni Teodoro, kasama ang ilang opisyal, ang NDRRMC Operations Center.
Humingi na rin siya ng update sa aktibidad ng Bulkang Mayon at Bulkang Taal.
Facebook Comments