Mahihirap na manggagawa, dapat bigyan ng gobyerno ng libreng bisikleta

Hinimok ni Senator Grace Poe ang gobyerno at pribadong sektor na bigyan ng bisikleta ang mga mahihirap na mga manggagawa para mapadali ang kanilang biyahe.

Paliwanag ni Poe, sa ganitong paraan ay hindi na kailangan pang makipagsiksikan ng mga manggagawa sa mga pampublikong sasakyan kung saan pwede pa silang mahawa ng COVID-19.

Sinabi ni Poe, kesa pera ay pwedeng ibang klaseng CCT o Cycles for Citizens Transfer— na mas mainam ang ibigay sa mga mahihirap na manggagawa.


Ang mungkahi ay tugon ni Poe sa natanggap na sulat mula sa isang manggagawa na nagsabing ang kailangan nila ay ibang 4Ps, na tinawag niyang “Pedal Project sa Panahon ng Pandemya.

Giit ni Poe, maaring bumili ang pamahalaan ng bulto-bultong mga bisikleta at gamitin ang P1.316 bilyong pondo para sa mga sidewalk, bike lane, bike-sharing at lending program sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Facebook Comments