Phoenix Suns, pasok na sa Conference Finals matapos talunin ang Los Angeles Lakers sa Game 6

184

Aabante na sa Conference Finals ang Phoenix Suns matapos talunin ang Los Angeles Lakers sa score na 113-100 sa Game 6 ng National Basketball Association (NBA) Western Conference Playoffs.

Pinangunahan ni Devin Booker ang Suns na may 47 points habang sinundan ni Jae Crowder na may ambag na 18 points.


Ginabayan naman ni LeBron James ang Lakers na may 29 points at 7 assists.

Magtatapat ang Phoenix Suns at Denver Nuggets sa June 8 para sa Game 1.

Facebook Comments