Mahihirap na tsuper, hindi dapat mapag-iwanan sa gitna ng isinusulong na PUV Modernization Program – VP Robredo

Umapela si Vice President Leni Robredo sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huwag hayaang mapag-iwanan ang mahihirap na tsuper sa gitna ng isinusulong na jeepney modernization program ng pamahalaan.

Sa kanyang pakikipagdayalogo, pangunahin aniyang himutok ng mga jeepney driver ang tila pananamantala ng gobyerno sa sitwasyon ngayon para maigiit ang jeepney modernization.

Aniya, hindi naman tutol ang mga jeepney driver sa programa pero hindi rin nila kayang maka-comply dahil sa mahal ng modernong jeep.


“Lampas yatang 2 million yung isang modernized na jeep, so hindi nila kaya. So ang hinihingi naman nila Ka Ely, gusto naman nilang mag-comply sa modernization pero sana matulungan sila. Ang point nila, wala ngang nagpapautang sa kanila ngayon na bangko kasi yung ability to pay, questionable,” ani Robredo sa programang Biserbisyong LENI sa RMN.

“Mapapag-iwanan talaga yung mga wala. So sana makaisip din ng paraan pareho yung LTFRB at DOTr na matulungan silang makapag-comply,” dagdag pa ng Bise Presidente.

Facebook Comments