MAHIHIRAPAN | Kampo ni Manny Pacquiao, aminadong hirap sa training dahil sa wala si coach Freddie Roach

Manila, Philippines – Siguradong mahihirapan daw ngayon ang mga coach ni Manny Pacquiao sa magiging training nito laban kay Argentinian boxer Lucas Matthysse.

Aminado si Buboy Fernandez na talagang mahirap daw talaga magsagawa ng training kay Pacquiao kapag hindi nila makakasama si coach Freddie Roach.

Sinabi pa ni Fernandez, hindi lamang coach si Roach ng buong team Pacquiao kundi itinuturing na rin daw nila ito bilang tatay.


Nabatid kasi na sinabi ni Manny na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung kukunin pa rin si Roach.

Dahil dito, bilang assistant trainer pansamantalang tatayuan daw muna ni Fernandez ang role ng coach ni Pacquiao para maging 100 percent condition ito sa araw ng kanilang laban sa July 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Facebook Comments