MAHIHIRAPANG MAKIPAGSABAYAN | Mga Senior High School graduate ngayong 2018, posibleng mahirapan matanggap sa trabaho

Manila, Philippines – Bagama’t wala pang eksaktong datos, nangangamba ang job portal na Jobstreet na posibleng mahirapang matanggap sa trabaho ang mga Senior High School Graduate ngayong 2018.

Sa interview ng RMN kay Mac Turija ng Jobstreet Marketing Department – aniya, mahihirapang makipagsabayan ang mga senior high school dahil makaka-kompetensya nila sa paghahanap ng trabaho ang mga college graduate.

Bukod kasi sa iba ang kanilang curriculum, high standard at matindi rin ang kompetisyon ng mga kompanya sa pagtanggap ng aplikante.


Tingin din nila, may mga kompanya na hindi pa masyadong bilib sa kaalaman ng mga senior high school graduate.

Pero para kay Turija, hindi naman problema ang usapin ng qualification kundi ang kakulangan din ng kaalaman ng mga kompanya tungkol sa K-to-12.

Facebook Comments