Umabot na sa mahigit isang milyong indibidwal sa China ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y matapos umarangkada na ang pamamahagi ng experimental coronavirus vaccine na gawa ng Sinopharm sa nasabing bansa.
Ayon kay Sinopharm Chairman Liu Jingzhen, kabilang sa mga nabigyan ng bakuna ang mga construction workers, diplomats at ilang mga estudyante kung saan walang nakitang negatibong epekto sa mga sumailalim sa clinical trial.
Facebook Comments