Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na isang mahinang phreatic explosion ang naganap kahapon sa bulkang Pinatubo.
Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga ng usok ang crater ng pinatubo alas-12:09 hanggang alas-12:13 kahapon ng tanghali.
Wala namang naitalang asHfall matapos nito nagbabala ang PHIVOLCS na umiwas munang magtungo sa paligid ng bulkan at hinikayat din nila ang Local Government Units na patuloy na maghanda at paigtingin ang disaster preparedness.
Matatandaang noong June 1991 ay sumabog ang Mt. Pinatubo na itinuturing na ikalawang pinakamalakas na pagsabog sa 20th century at ikinasawi ng 800 katao.
Facebook Comments