MAHIRAP ANG BUHAY | Pangulong Rodrigo Duterte, hinikayat ang mga OFW na gumamit ng contraceptives

Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dumating na Overseas Filipino Workers na gumamit ng libreng contraceptives.

Ipinaliwanag ni Duterte sa mga OFW ang mahirap na buhay sa bansa dahil sa malaking populasyon ng mga pinoy na mahigit 100 milyon na.

Pero hindi niya hinikayat ang paggamit ng condom dahil hindi umano “masarap.”


Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong 2013, wala pang dalawang porsiyento ng may asawang kababaihan ang nagsabing gumamit ng condom ang kanilang mister para sa family planning.

Mas maraming pinoy pa rin ang gumagamit ng pills o “withdrawal method.”

Gayunman, ang hindi paggamit ng condom ang isa sa mga sinisisi rin ng mga eksperto kung bakit biglang lumobo ang bilang ng mga Pilipino na nagkaroon ng HIV infection.

Facebook Comments