MAHIRAP | Liquor ban sa pista ng Tondo, hindi basta maipapatupad – MDRRMO

Tondo – Aminado ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office na mahirap maipatupad ang Liquor Ban araw ng linggo a 21 ng Enero kapistahan ng Sto Nino sa Tondo Manila.

Ayon kay MDRRMO Chief Johnny Yu nakipag-ugnayan na sila kasama ang mga opisyal ng MPD sa mga Barangay opisyal na bantayan ang kanilang mga nasasakupan at ipanawagan ang ipatutupad na Liquor Ban sa bisperas at kapistahan ng Tondo.

Nanawagan din si Yu sa mga deboto ng Sto Nino na iwasang sumama sa gagawing prusisyon na nakainom ng alak upang maiwasan ang anumang problema dahil inaasahang 20 libo o higit pa ang debotong dadagsa sa Pista ng Tondo.


Inihanda na rin ng MDRRMO ang lahat nilang Medical Team at Rescue Unit upang magbigay ng paunang lunas sa mga manganga-ilangan ng Medical Assistant kung saan nakaantabay ang kanilang mga ambulansya sa daraanan ng prusisyon ng Sto Nino.

Facebook Comments