SIGNALING ERROR | MRT 3, nagka-aberya muli

Manila, Philippines – Naantala ang biyahe ng isang tren ng MRT3 dahil sa problemang teknikal.

9:37 kanina nang pababain ang 1,050 na pasahero sa Southbound ng Ortigas station.

Isinisi sa signaling error ang aberya, ito ay dahil sa luma o depektibong signaling sub-components.


Dinala na sa MRT depot ang nagka aberyang tren.

Nailipat naman agad sa sumunod na tren ang mga pasahero matapos ang limang minuto.

Facebook Comments