Naniniwala ang ilang senador na malaki ang naging papel ng Pharmally Pharmaceutical Corporationkung bakit nahirapan ang bansa na i-test ang
ilang Pilipino sa COVID-19 sa kalagitnaan ng pandemya noong nakaraang taon.
Ayon kay Senator Francis Pangilinan, dalawang buwan pagkatapos i-deliver ang RT-PCR test kits ay saka pa lamang ibinigay ng Pharmally ang extraction kits sa pamahalaan.
Dahil dito, naging useless ang mga unang isinagawang COVID-19 testing.
Aniya, kung talagang may kapasidad ang Pharmally at na-check nila ang kanilang kakayahan ay hindi dapat ito dinelay para sabay na magamit.
Maliban dito, kinuwestiyon din ni Pangilinan ang bigong pagpuna ng Department of Health sa pagkaantala ng ilang order sa Pharmally.
Facebook Comments