Mahirap na pamilyang Pilipino, posibleng umakyat sa 20 milyon pagsapit ng 2021 – DSWD

Posibleng lumobo ng hanggang 20 milyon ang bilang ng mahihirap na pamilyang Pilipino sa susunod na taon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Joyce Niwani, nasa 16 na milyong pamilya ang sako ng kanilang National Household Targeting System for Poverty Reduction.

Posible aniya itong tumaas dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.


Sa ilalim ng targeting system, nililista ang pinakamahihirap na pamilya na makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang cash assistance ay ibibigay kapalit ng pagsunod sa human development goals tulad ng pagpapa-aral sa mga anak, pagdalo sa family development sessions at iba pa.

Sinabi naman ni DSWD Secretary Rolando Bautista na natapos na nila ang kanilang assessment sa 14 million mula sa 16 million households na mapapabilang sa “listahanan” mula nitong August 31.

Facebook Comments