Manila, Philippines – Umalma ang mga commuters sa patuloy na operasyong Tanggal Bulok,Tanggal Usok ng Inter Agency on Council for Traffic o I-ACT katuwang ang MMDA,LTO at LTFRB sa mga lansangan sa Metro Manila.
Ayon kay Letlet Galang isang promodizer ng isang Mall sa Maynila hirap silang makasakay dahil madalang lamang ang mga bumabiyaheng pampasaherong sasakyan bunsod na rin ng operasyon sa Tanggal Usok Tanggal Bulok ng pamahalaan.
Hindi naman aniya maramdaman ng mga pasahero ang tulong o ayuda ng gobyerno sa mga pasaherong naiistranded sa lansangan at tanging press releases lamang umano na nagpapadala sila ng libreng sakay sa mga naistranded na commuters.
Una rito nilinaw ni I-ACT Spokesperson Atty. Aileen Lizada na nagpapadala sila ng mga military truck sa mga naistranded na pasahero upang hindi mahuhuli sa kanilang pasok sa trabaho.