PROTEST MARCH LANG? | Piston, tinawag na praning ang gobyerno sa pagkansela nito ngayong araw ng number coding scheme

Manila, Philippines – Tinawag ni Piston National President George San Mateo na praning ang gobyerno sa pagkansela nito ngayong araw ng number coding scheme.

Nilinaw ni San Mateo na wala silang intensyon na paralisahin ang transportasyon.

Hindi tigil pasada kung hindi protest march lamang ang kanilang isasagawa.


Magtitipon-tipon ang mga miyembro ng Piston sa Quezon City Memorial Circle saka magmamartsa patungong tanggapan ng LTO at LTFRB.

May mga kasamahan pa rin aniya sila na papasada pa rin habang ang ilan ay mangangalampag.

Dahil aniya sa pagkansela sa number coding, asahan ang mas magsisikip ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments