Lalong pinaiigiting ngayon ang pagpapatupad ng Smoking Ban sa bayan ng Magarao,Camarines Sur. Kinumpirma ito ni Mayor Yipyip Señar sa panayam ng RMN DWNX 1611AM. Ayon kay Señar, isang Anti-Smoking Task Force ang binuo upang ganap na ipatupad ang Smoking Ban sa bayan ng Magarao,Camarines Sur.
Inatasan ang nasabing Task Force na mag-ikot sa mga pampublikong lugar at mga establishments at hulihin ang mga maaktuhang naninigarilyo. May karampatang multa para sa sinumang mahuhuling lumalabag dito.
Idinagdag pa ni Señar na nakipag-ugnay na rin siya sa mga namamahala ng mga commercial establishments and institutions at hiningi niya ang suporta ng mga ito para sa ikakatagumpay ng kampanya para maisakatuparan at maipalaganap ang Smoking Ban sa lahat ng barangay ng Magarao partikular na sa mga pampublikong lugar.
Ang Smoking Ban ay kaugnay ng Executive Order na nauna nang nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.-Kasama mo sa balita at serbisyo publiko – Paul Santos, Tatak RMN
Mahuhuling Smoker , Hulihin, Pagmultahin- Magarao Mayor Yipyip Señar
Facebook Comments